The Epic Lives on…

19218030928043m1 Sa loob ng halos apat na buwan, nagawa kong ngumiti kahit madilim ang paligid ko, kahit marami akong dahilan para umiyak, dahil yan sa inyo. Sa bagong mga kaibigang tumatak ng husto sa puso ko. Bumuo pa nga tayo ng pamilya di ba? Sabi nga ni Itay, dapat solid pa rin, oo naman, kahit pa nga limitado na lang sa limang minuto kada araw na pwede ko kayong makita at makausap.

Salamat pa rin sa limang minuto.

Malapit na namang matapos ang chapter na to, sa March 11, judgement day, magpapaalam na tayo. Gusto ko lang magpasalamat. At kahit saan ako pumunta maiiwan sa akin ang pinakamasayang apat na buwan ng buhay ko kasama kayo… muli, salamat.

Bookmark and Share

Leave a Reply